Kartilya - Page 2 of 2

Tula ni

Emilio Jacinto

Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay
na libangan lamang kundi isang katuwang at
karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan;
gamitin mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang kahinaan at alalahanin ang inang
pinagbuhata't nag-iwi sa iyong kasanggulan.

Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak, at
kapatid ay huwag mong gagawin sa asawa, anak
at kapatid ng iba.

Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala
sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa
pagka-paring kahalili ng Diyos, wala sa mataas
na kalagayan sa balat ng lupa.  Wagas at tunay
na mahal na tao kahit laking-gubat at walang
nababatid kundi ang sariling wika; yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may
dangal at puri; yaong di napaaapi't di nakikiapi;
yaong marunong magdamdam at marunong
lumingap sa bayang tinubuan.

Learn this Filipino word:

hindî nakaáabot