Ang Tanglaw ng Bayan - Page 2 of 2

ni Dr. José Rizal

Sa puso ng katauhang sa kasam-a'y nagugumon,
Edukasyon ay may tanglaw sa tanguhing gintong layon,
May panggapos sa salaring mga kamay na may lason;
Mga pusong naghahanap ng dalisay na yamungmong
Ay sagana sa biyayang edukasyon ang nag-ukol,
Mga pusong nag-aalab sa mainit at maapoy
Na pag-ibig sa katwirang handa silang ipagtanggol;
Ang aliw ng buhay nati'y ang mabuting edukasyon.

At kung paanong sa gitna man niyong along mararahas,
Sa gitna man niyong sigwa't nagngangalit sa habagat,
Ang naroong batong buhay na matayog at matatag
Ay palalong nakatayo at di man lang natitinag,
Hanggang yaong mga alo'y maubusan na ng lakas
At sa laking pagkahapo ay maidlip yaong dagat,
Sa matinong edukasyon, pag ang tao ay nanghawak,
Bayan niya'y maaakay sa matatag na pag-unlad.

Sa sapiro'y mauukit ang dakilang paglilingkod,
Libu-libong karangalan ang sa kanya'y ihahandog;
Hasik niyang kabaita'y mabulaklak na lulusog
Sa dibdib ng mga anak na sa kanya ay susunod;
Mamamalas ng lahat, ng mga punong nagkukupkop
Na ang bayang nananalig at sa buti'y nagtatampok,
Ay may isang hangarin lang: edukasyong maka-Diyos.

At kung paanong nagsasabog ng ginintong mga sinag
Iyang araw, kung umagang ngumingiti ang liwanag,
Kung paano ngang sa silanga'y unti-unting kumakalat
Mga kulay na agawan sa kariktang sakdal dilag;
Pagtuturo ay ganyan din, unti-unting naghahayag
Sa paslit pang kaisipan ng marikit na banaag
Ng hiyas ng kabaitang mag-aakay, magtataas
Sa bayan 'tong sinisinta sa luwalhating walang kupas.

Learn this Filipino word:

nagbábanat ng ugat