Kabanata 55:
Ang Pagkakagulo
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinang sa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos
na si Linares at isinadasal nilang umalis na ang multong
si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang Pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisan… tulisan…
Si Tiya Isabel ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng Alperes ang Kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa Pari Salvi. Tiniyak ng Alperes na wala nang panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang Kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy na lamang sa paglakad ang binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga Sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng Alperes sa pagtatagubilin sa Kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na Kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.