Kabanata 48:

Ang Talinhaga

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno.  Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dadalawin si Maria.  May dala siyang sulat mula sa Arsobispo na ibinigay nito sa Aura at nagsasaad na inaalis na ang ekscomunion.  Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang Kastilang si Linares.  Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.

Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon.  Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko.  Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng Rosas at Sampaga.   Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay.  Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit.  Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.

Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang di ipinasabing pagdalaw.  Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas na lamang siya dadalaw.  Tumango ang dalaga.  Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.  Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan.  Binati siya ni Nol Juan at manggagawang dinatnan niyang abalang gumagawa.  Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na excomugaldo.  Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang excomulgado.

Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa.  Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kanya.  Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan.  Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton.  Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras.  Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay  Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan.  Si Elias naman ay lumayo na.  Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias.

Learn this Filipino word:

humanap ng batóng ipinukpók sa ulo