Kabanata 3: - Page 2 of 2

Ang Hapunan

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon.  Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan.  Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso.  Walang pakundangan ininsulto niya ang binata.  Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.  Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.

Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan.  Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego.  Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra.  Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra.  Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas.  Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.

Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

Learn this Filipino word:

makabasag-kampanà