Kabanata 26:

Ang Bisperas ng Pista

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.  Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon.  May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy, may nakahandang pagkain, alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa, tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, ahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga, belong ginansilyo, alpombra, bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga. Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwedeng nang makapanalamin. Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan.  Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan.  Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadaan ang prusisyon.  Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo.  Madalas na tinutogtug ang kampana kasunod ang mga putok ng mgha kuwitis at bomba.

Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista.  Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at  Sta. Cruz ang inaasahang na darating.  Batay sa mga balita, si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pagdating ng gabi.  Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok, baboy, bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan.  Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa.  Habang abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan.  Ang isang panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae.  Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya.  Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista.  Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simbahan ang kanyang ipinagagawa.  Sasagutin niya ang lahat ng gastos.

Learn this Filipino word:

hilóng talilong