Kabanata 12:

Araw ng mga Patay

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan.  Lubhang napakakipot ng daang patungo rito.  Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.

Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan.  Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon.  Masukal ang kabuuan ng libingan.

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na.  Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.

Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay.  Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.  Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.  Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga Intsik.

Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa.  Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.

Learn this Filipino word:

mga mayroón