Ikalimang Bahagi - Page 2 of 2

(Ang Buod ng “Ibong Adarna”)

Sa wakas hindi rin nabigo ang sobrang pagkakagusto ni Don Pedro kay Donya Leonora dahil silang dalawa din ang tuluyang nagpakasal.

Si Don Juan naman ang nagpakasal kay Donya Maria.  Hiniling nila na kay Don Pedro na lamang ibigay ang trono sa kadahilanang sila ni Don Juan at Donya Maria ay nakatakdang pagharian ang monarka ng Delos Cristal.  Kaya pagkatapos ng kasalan ay umuwi na sila sa kaharian ng Delos Cristal.  Nagkaroon ng isang pista para ipagdiwang ang pagluwalhati sa Bathala.  Kalakip na rin ang dalangin para sa mga yumaong kapatid at magulang ni Donya Maria.  At ang mga na-engkantong mga prinsipe, kabalyero at konde ay inalisan na ni Donya Maria ng sumpa.  At ang lihim na pinaka-iingatan ng mga magulang ni Donya Maria ay kanya ring inilantad na.  Nagbalik sa pagiging leon at tigre ang mga utusan at nagsilantaran ang mga tunay na tao na nagtatagong kasangkapan sa loob ng palasyo.  Itinanghal na hari at reyna si Don Juan at Donya Maria sa kaharian ng Delos Cristal.  Siyam na araw ang ginanap na pista.  Di magkamayaw sa kasiyahan ang mga taong-bayan.  Sa bagong pamamahala ni Don Juan ay tanging kaayusan ng kaharian ang hinahangad.  At dahil sa kanilang mabuting pamumuno sa kaharian, sila ay lalong minahal ng taong bayan.

Ang salaysay at hiwagang nakabalot sa dalawang reyno ay maligayang winakasan ng malamyos na awitin ng Ibong Adarna.

Learn this Filipino word:

nagdaán sa bitháy