Ang Buod - Page 3 of 3

ng “Florante at Laura”

Ikinuwento ni Laura kung ano ang nangyari sa kanya.  Sinabi niya kung paano naagaw ni Adolfo ang trono, kung paano pinugutan ng ulo ang hari.  Sinabi din niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante sa Etolya upang ipaalam ang mga nangyayari sa Albanya nguni't ito ay hindi nakaabot kay Florante.  Samantala, natapos na noon ang limang buwang taning ni Adolfo kay Laura upang mapag-aralan ang handog na pag-ibig nito.  Wala nang paraang nalalabi kay Adolfo upang mahimok si Laura; kaya't sa kailaliman ng gabi ay pinilit nitong dalhin siya sa gubat upang doon ay siraan ng puri.  Siya namang pagdating sa gubat ni Flerida.  Nakita niyon ang kabuktutan ni Adolfo.  Sa isang pagsibat niyon ay napatay agad si Adolfo.

Habang nagpapalitan ng kani-kanilang karanasan ang apat, nagsidating sina Menandro, kasama ang buong hukbo ng Albanya.  Pinaghahanap nila si Adolfo upang maibalik ang dating katahimikan ng Albanya.  Nagsipagsigawan ang buong hukbo sa tuwa nang makita ng lahat na buhay sina Florante at Laura.  Ipinagbunyi nilang lahat ang magkasintahan.  Pagkaraan ay nagbalik silang nagsisipagbunyi sa palasyo.  Hindi nagtagal at nakasal sina Florante at Laura.  Itinanghal na hari ng Albanya si Florante; si Laura, ang reyna.  Sina Aladin at Flerida naman ay pinag-isang dibdib din matapos mabinyagan upang maging ganap na Kristiyano.  Bumalik silang dalawa sa Persya nang mamatay ang Sultan Ali-adab, at doon sila ay namuno sa sariling kaharian.

Learn this Filipino word:

lawít ang pusod