Ang Tagpuan

(Ang Buod ng “Florante at Laura”)

Sa unang bahagi ng tula ay inilalarawan ang madilim na gubat, ang mababangis na hayop, na tumutugon sa madilim na kinabukasan ng mga Filipino noong panahanong iyon, at ang mababangis na hayop ay naglalarawan ng kalupitan ng mga dayuhan, at ang Albanya na tinutukoy ay ang Pilipinas.

Ang himagsik laban sa maling pananampalataya, pinabulaanan ni Balagtas ang sinasabi ng mga Kristiyano na ang mga Moro ay walang kaluluwa, na laging taksil sa pakikisama at ubod nang lupit sa mga kaaway.  Dito niya ipinakilala na kahit na Moro ay may damdaming makatao at sumusunod sa Utos ng Diyos at nagdadalang habag at tumutulong sa mga kaaway na nasa gipit na kalagayan.

Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian, dito ipinakikita niya ang labis na pagpapasunod sa bata ay maaring magbunga ng kapahamakan at ang pagkamainggitin ng tao sa kayamanan at kapangyarihan ay isang malaking kasalanan.

Learn this Filipino word:

magbukás ng dibdíb