Kabanata 32:

Ang Bunga ng mga Paskil

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay di na nagpaaral ng mga anak.  Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.

Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil.  Natuwa pa si Tadeo, sinigaan ang kanyang mga aklat.  Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama.  Napasa-Europa si Makaraig.  Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit.  Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati.  Si Basilio lamang ang di nakakuha ng pagsusulit.  Nasa bilangguan pa siya.  Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.

Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.

Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya.  At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.

Higit na magkabagay si Juanito at Paulita.  Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.

Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa.  Si Simoun daw ang mamamahala.  Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral.  Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilala kay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.

Learn this Filipino word:

bilasá na