Kabanata 29:
Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago
(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.
Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo ang manok na kaluluwa?
Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja?
May nagtalo sa damit na isusuot kay Kapitan Tiyago. Abito? Mayroon nito si Kapitan Tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan.
Tumutol ang sastre. Prak daw ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.
Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga.