Bugtong / Riddles

Mga Bagay / Objects

Bilingual (Tagalog-English)

Sagot / Answer

Bugtong

Riddle

Bangka (Boat)

Wala sa langit, wala sa lupa
Kung tumakbo ay patihaya.

(Not in heaven, not on earth,
it walks on its back)

Kandila (Candle)

Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan;

Ngunit kung ako'y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.

Kung kailan ko pa pinatay
Ay saka nagtagal ang buhay.

Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan

(If you will allow me to live,
I shall obtain death;

But if you kill me right away,
My life will last longer)

(When I killed it,
its life became longer)

(When kept alive, it dies;
when killed, it lives longer)

Kabaong (Casket)

Binili ko nang di nagustuhan
Ginamit ko nang di ko nalalaman

(I bought it against my will
and I used it without my knowledge)

Kampana ng Simbahan (Church bell)

Nang hatakin ang baging,
Nagkagulo ang matsing.

(When the vine was pulled,
there was chaos among the monkeys)

Relo (Clock)

May kamay, walang daliri

(It has a hand [but] it has no fingers)

Learn this Filipino word:

lálabasán