Mga Tadhanang Pangkalahatan - Page 2 of 2

(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

Seksyon 12

Ang mga lungsod na sukdulang urban gaya ng pagkakatakda ng batas, at ang mga bumubuong lungsod na ang mga karta ay nagbabawal sa kanilang mga botante na bumoto para sa mga halal na pinuno ng lalawigan, ay dapat maging malaya sa lalawigan.  Ang mga botante ng mga bumubuong lungsod na nakapaloob sa isang lalawigan, na ang mga karta ay hind nagtataglay ng gayong pagbabawal, ay hindi dapat alisan ng kanilang karapatang bumoto para sa mga halal na pinuno ng lalawigan.

Seksyon 13

Ang mga unit ng pamahalaang lokal ay maaaring magsama-sama, magbuo o mag-ugnay ng kanilang mga pagsisikap, mga lingkuran, at mga mapagkukunang-batis para sa mga layuning kapaki-pakinabang sa kanila ng naaayon sa batas.

Seksyon 14

Dapat maglaan ang Pangulo ng mga panrehiyong sanggunian sa pagpapaunlad o iba pang katulad ng mga kalupunan ng binubuo ng lokal na mga pinuno ng pamahalaan, mga panrehiyong puno ng mga kagawaran at iba pang mga tanggapan ng pamahalaan, at ng mga kinatawan mula sa mga organisasyong di pampamahalaan sa loob ng mga reiyon para sa mga layuning desentralisasyon ng pangangasiwa upang mapatatag ang autonomy ng mga unit doon at upang mapabilis ang pagsulong at pag-unlad na pangkabuhayan at panlipunan ng mga unit sa rehiyon.

Learn this Filipino word:

hiyás ng pagkababae