Melchora Aquino
Tandang Sora
She offered her services to the Katipuneros in 1896.
Sa kagubatan ng Balintawak naninirahan noon si Melchora Aquino. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong pumasok sa mga paaralan, subalit ang lahat ng mga katangian sa mabuting pakikipagkapuwa na maaaring ituro ng mga guro ay taglay niya.
Tinawag siyang Tandang Sora sa kasaysayan sapagkat nang sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong 1896 ay matanda na siya.
Si Tandang Sora ay may isang maliit na tindahan ng sari-sari sa Balintawak.
Nang pumasok ang buwan ng Agosto ng 1896, ang mga dati nang malupit na Kastila ay nagpakita ng ibayong kalupitan sapagkat nahigingan nilang ang mga tauhan ni Bonifacio ay malapit nang maghimagsik. Daan-daang mga mamamayan sa lunsod ng Maynila ang kanilang hinuli. Pinahirapan ang mga ito at pinilit na isigaw ang mga lihim ng Katipunan. Marami sa mga hinuling ito ang nabitay, marami rin ang nabaril, at may mga nakatakas naman at nakapagtagpo sa kagubatan ng Balintawak.
Sa katauhan ni Tandang Sora sila nakatagpo ng anghel na tagapagkupkop.
Bawat takas o taong dumulog sa kaniyang munting tindahan ay kinakandili ni Tandang Sora.
“Kumain ka na ba, kapatid?” ang una niyang itinatanong.
Pag nabatid niyang walang laman ang tiyan ng napatatangkilik sa kaniya ay kaagad niyang hinahainan nh pagkain, at pagkatapos ay kaniyang pinapagpapahinga. Kung may sugat ang panauhin ay kaniyang ginagamot. Hindi niya pinatitigil sa kaniyang tahanan ang mga takas. Binibigyan niya ang mga ito ng baong salapi at pagkain at saka pinapaparoon sa pook na ligtas sa pag-uusig ng mga humahabol na Kastila.
Maging ang mga babae at batang lumilikas sa Balintawak ay inaaruga ni Tandang Sora.
Nabalitaan ng mga Kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa mga kaanib ng Katipunan. Nagtungo ang ilang kawal sa maliit niyang tindahan sa Balintawak, hinuli siya at dinala sa Maynila.
Si Tandang Sora ay nahatulang itapon sa pulo ng Marianas.
Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa ilalim na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya. Wala na siyang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang dukha at namatay sa karalitaan.
Melchora was living in the forest of Balintawak. She did not have a chance to go to school, but all the good qualities and consideration for others that teachers can teach are found in her.
She was known as “Tandang Sora” in history, because when the war broke out, led by Andres Bonifacio, in 1896, she was already old.
Tandang Sora used to keep a store where she sold various things, in Balintawak.
When the month of August, 1896, came, the cruel Spaniards became more stern for they heard that Bonifacio’s men were going to revolt. Hundreds of men in the city of Manila were captured and were being forced to reveal the secret of the Katipunan. They were punished severely and many of them were hanged and still others were shot. Some escaped to the forest of Balintawak.
In the person of Tandang Sora, they met an nagel who took care of them. Everyone that escaped and came to Tandang Sora was taken care of by her in her little store.
“Have you eaten, brother?” would be her first question to anybody that came.
When she learned that he had an empty stomach she would at once give him food and let him rest. If he is wounded, she would dress his wound. She did not allow any escapee to stay in her house. She would offer them food and give them money and send them to safe places where they would not be molested by the Spaniards.
Even women and children who came for help in Tandang Sora’s place in Balintawak were helped and taken care of.
The Spaniards learned of these services of Tandang Sora so they captured her, took her to Manila and later exiled to Marianas.
Tandang Sora came back when the Philippines was already in the hands of the Americans. She was already very old and had no more property. She lived poor and died poor.