Lapu-Lapu

King of Mactan

Known as the First Filipino Hero. A victor over Magellan.

Si Lapu-Lapu ang hari ng Isla ng Mactan nang pumarito si Fernando Magallanes sa Pilipinas. Hindi ibig sumuko si Lapu-Lapu sa mga Kastila, at ni hindi rin ibig magbayad ng buwis kay Magallanes. Ang ginawang ito ni Lapu-Lapu ay ikinapoot ni Magallanes kaya’t siya na may kasamang anim-na-pung kawal na mga Kastila, ay naglayag buhat sa Cebu upang lupigin ang Isla ng Mactan.

Nang dumaong ang Kastila sa Mactan, sinalakay sila ng mag-amang Lapu-Lapu. Sa paglalabanan, ang may mga dahop na sandata na mga Pilipino ay nagtagumpay na masugatan si Magallanes na nagpabalik sa kaniyang mga kawal sa kanilang mga sasakyan. Nagpatuloy ng paglalaban ang mga Pilipino hanggang sa napatay nila si Magallanes. Nang makita ng mga Kastila na namatay ang kanilang puno, nagsipagbalik sila sa sasakyan at nagsialis na.

Ang tagumpay ni Lapu-Lapu ang nagpalakas ng loob sa mga Pilipino na lupigin ang mga Kastila sa Cebu, hanggang sa sila’y naitaboy magsialis sa Pilipinas. Sa loob ng limampu’t apat na taon, wala nang Kastila na naglakas-loob na pumarito sa Pilipinas.

Lapu-Lapu was the king of the island of Mactan when Ferdinand Magellan came to the Philippines. He would neither submit to the Spanish rule nor pay tribute to Magellan. Lapu-Lapu’s attitude angered Magellan, so Magellan with sixty Spanish soldiers, sailed from Cebu to conquer the island of Mactan.

When the Spaniards landed on Mactan, they were attacked by Lapu-Lapu and his son. In the fight, the poorly armed Filipinos succeeded in wounding Magellan, who ordered his soldiers to retreat to their boats. The Filipinos kept on fighting until they killed Magellan. When the Spaniards saw their leader dead, they escaped to their boats and sailed away.

Lapu-Lapu’s victory encouraged the Filipinos to attack the Spaniards in Cebu forcing them to leave the Philippines. And for 54 years after that, no Spaniards dared come to the Philippines.

Learn this Filipino word:

utak-biyâ