Francisco Baltazar

Balagtas

Born: April 2, 1788

Died: February 20, 1862

Well-known poet, and author of the famous "Florante at Laura".

Si Francisco Baltazar ay ipinanganak sa nayon ng Panginay, Bigaa, Bulakan, noong ika-2 ng Abril ng taong 1788. Ang kaniyang ,mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana de la Cruz, kapuwa tubo sa nasabing nayon.

Si Francisco ang pinakabunso sa magkakapatid. Sa gulang na labing isang taon, siya ay naglingkod sa isang mayaman sa Tundo sa kasunduang siya’y papag-aaralin. Sa pamamagitan ng gawaing ito naitaguyod ang kaniyang pag-aaral hanggang sa makapagpatala siya sa "Colegio de San Jose." Si Balagtas ay nag-aral ng teolohiya, kanones, pilosopiya, at iba pang karunungan.

Ang unang naging guro ni Balagtas sa pagsulat ay ang bantog na si Dr. Mariano Pilapil. Si Dr. Pilapil ang nag-akay sa kaniya sa pagkakaroon ng hilig sa pagsulat ng tula. Ang sumunod na naging guro niya sa pagtula ay si Joseng Sisiw. Si Tandang Jose ay tinawag ngganito sapagkat siya ay binabayaran ng isang sisiw sa bawat tulang naisaayos niya. Dahil sa hindi pagpansin ni Joseng Sisiw nang minsang sumangguni sa kaniya si Balagtas nang walang daang sisiw, siya’y nagdamdam. Mula noon ay napilitan siyang mag-ayos ng sariling tula niya. Ang pangyayaring ito’y nakabuti sa kaniya sapagkat naging isa siyang tanyang na manunula. Naakulimlim niya ang dating maningning na pangalan ni Joseng Sisiw.

Nang si Balagtas ay manirahan sa Pandacan, nakilala niya si Maria Asuncion Rivera na kilala sa palayaw na Celia. Naging kaagaw niya sa pangingibig kay Celia ang mayamang kasikeng si Mariano Kapule. Si Mariano ang gumawa ng paraan upang mabilanggo si Balagtas. Sa loob ng bilangguan ay nabalitaan ni Balagtas na si Celia ay napakasal kay Mariano. Ang malabis na panibugho at pag-aalab ng kalooban ang nagbigay, diumano, ng malaking diwa kay Balagtas nang sulatin niya ang "Florante at Laura."

Ang pinakadakilang pamana ni Balagtas sa kaniyang bayan ay ang walang kamatayang "Florante at Laura." Ang bawat talata nito ay lipos ng magagandang aral at halimbawa. Ilan sa magagandang aral dito ay ang mga sumusunod:

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Habag ng magulang sa irog na anak.

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
Mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratna’y di na matutuhang bathin.

Sa taguring bunso’t likong pagmamahal
Ang isinasama ng bata’y nanukal
Ang iba’y marahil sa kapabayaan
Ng dapat magturong tamad na magulang.

Akong pagkabata’y ang kinamulatan
Kay ama ang bait na di paimbabaw,
Yaong namumunga ng kaligayahan
Nanakay sa pusong suyui’t igalang.

Datapuwa’t sino ang tatarok kaya
Sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.

Mahigit kang aba sa mapagpunuan
Ng hangal na puno at masamang asal,
Sapagkat ang haring may hangad sa yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan.

Nang makalabas sa piitan si Balagtas, siya ay tumungo sa Bataan upang maging katulong na hukom sa nasabing bayan. Naging "Tenyente Mayor" at "Juez de Cementera" rin siya sa Udiong. Dito niya nakilala ang isang magandang dalagang nagngangalang Juana Tiambeng. Si Juana ay kaniyang nakaisang palad noong 1842. Samantalang namumuhay nang tahimik sa piling ng kaniyang pamilya, siya’y ipinagsakdal sa kasalanang pagpanot sa isang utusang babae. Walang nangyari sa kaniyang paghahabol kaya’t nabilanggo siyang muli. Sumulat siya ng mga dula habang siya’y nasa piitan.

Nang si Balagtas ay makalayang muli, ipinagpatuloy niya ang pagsulat ng tula at dula na siya niyang tanging pinagkakitaan.

Sumakabilang buhay si Francisco Balagtas noong ika-20 ng Pebrero ng taong 1862 sa gulang na taon.

Francisco Baltazar was born in the town of Paninay, Bigaa, Bulacan, on April 2, 1788. His parents were Juan Baltazar and Juana de la Cruz both from the same town.

Francisco was the youngest of the children. At the age of eleven, he worked for a rich family in Tondo with the agreement that he was to be sent to school. In this manner he finished schooling until he enrolled in San Jose College. Balagtas studied theology, canon law, philosophy and other courses.

Balagtas’ first teacher in writing was the famous Dr. Mariano Pilapil. Dr. Pilapil was the one that encouraged him to write poems. Joseng Sisiw was his next teacher in writing poems. Tandang Jose was so called because one had to pay him by giving him a chick for every poem that he arranged. Because Joseng Sisiw paid no attention to Balagtas one time he asked him to help simply because he had no chick to give him, he resented it. From then on, he was forced to arrange his own poem. This event was to the advantage of Balagtas because he too became a great poet. That was a discredit to the famous Joseng Sisiw.

When Balagtas lived in Pandacan, he met Maria Asuncion Rivera whose nickname was Celia. Mariano Kapule, a wealthy man, became his rival in his love for Celia. Mariano tried to look for a way by which Balagtas could be sent to jail. The great jealousy and sincere love for Celia made Balagtas write his poem Florante at Laura.

Balagtas’ greatest heritage to his country was the undying Florante at Laura. Every stanza of it is full of good moral lessons. Some of the lessons we get from this poem are:

He who is reared in riches is generally bare
Of prudence, tact, in thought unskilled –
Astringent fruit of senseless care,
eternal pity over-spilled.

A person used to mirth and glee
Is weak of heart; so sensitive,
The slightest thought of misery
Beclouds his wits made fugitive.

The call Beloved, over caress,
Oft spur a child to go astray,
At times the cause is carelessness
Of sires to teach the proper way.

I, who from childhood grew to know
From father, kindness genuine,
That joy begets, allows to grow,
And leads the heart to love, to win.

But who can interpret the secret
Of God’s unfathomed will and mood?
Nothing can happen in this planet
But He intends for something good.

You are more wrtched than a place
Ruled by a brute, vile, insolent,
For God’s strong slap upon a race
Is king or prince on riches bent!

When Balagtas came out of prison, he went to Bataan in order to become assistant judge in that town. He also became "Teniente Mayor" and "Jues de Cementera" in Udiong. Here is where he met a beautiful woman named Juana Tiambeng in 1842. While living peacefully with his family, he was accused of cutting short the hair of a maid, and he was imprisoned for this. He wrote several poems while in prison.

When Balagtas was released, he resumed writing poems and plays as a means of livelihood.

Balagtas died on February 20, 1862 at the age of seventy-four.

Learn this Filipino word:

ilakò ang puri