Paglalakbay sa Daigdig ng Paggawa

ni Patrocinio V. Villafuerte

(Sabayang Pagbigkas)

Isang batang paslit
   ang minsa’y inakit ng isang pangarap,
Tulog niyang diwa
   ay hinagod mandin ng maamong palad;
Katawang lupaypay
   ay kagyat naglakbay sa bubungang pilak,
At kanyang tinahak
   ang landas ng isang paraisong pugad.

"Lakad, sige, lakad!"
   ang utos ng tinig mula sa kawalan,
"Iyong gunitain
   ang sinamba-sambang dustang katamaran!
Hamak na sarili’y
   dapat mong banyusan sa batis ng buhay,
Di dapat matakot
   kung ang ililibing ay sariling bangkay."

"Ang sariling bangkay?"
   ang tanong ng batang tila nagigitla,
Sa maamong mukha’y
   masasalamin mong siya’y putlang-putla;
Iyong makakamit
   ang kaparusahang ikaw ang may takda,
Ikaw ay magsisi
nang di na makamit itong tanikala."

Isang kisap-mata,
biglang nagliwanag ang buong paligid,
Tinig na malaki,
saglit na naparam, naglaho’t napatid!
At isang Basilio
   ang sa batang paslit ay biglang lumapit,
"Isasama kita
   sa paglalakbay ko nang ikaw’y maakit.

"Hayun ang Maynila,
   ang lungsod na dati’y pook na masama;
Tingnan mo’t balana’y
   ang pinagyayama’y masaganang lupa."

Learn this Filipino word:

sumunód sa bakás ng iná