Ang Manok at ang Gintong Itlog

(Parabula / Parable)

May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke.  At nang ito’y kanyang iuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito.  Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto!

Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan!

Ngunit ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.

Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok.

Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

Ganoon nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat.

At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.

Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.  Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.  At gayon, mas lalo pa siyang nawalan.

Mensahe: Ang pagkagahaman ay walang kinahihinatnan. Ang naghahangad na magkaroon ng maraming bagay sa maling paraan ay mas higit pang nawawalan.

Learn this Filipino word:

layláy ang balikat