Tatlong Lalaking Luko-luko - Page 2 of 2

Ama, sagot ng anak, ikaw ay tanga sapagkat ipinagbili mo ang mahalaga upang makamtam mo ang walang kahulugan.  Ipinagbili mo ang iyong kaisa-isang anak sa halagang isang daang baka gayong ikaw ay mayroon nang anim na libong ulo.

Tama ka, sang-ayon ng ama.  talagang ako’y isang tanga.

At ikaw naman, aking asawa, ang patuloy, nagmana ka ng isang daang ulo ng hayop at ang lahat ng mga ito ay ginugol mo para sa akin hanggang tayo’y walang makain.  Maaaring magkaasawa ka ng ibang babae sa halagang sampu o dalawampung baka lamang.  Kaya ikaw ay torpe at loko rin!

At bakit pati ako? tanong ng estranghero.

ikaw ang pinakaloko sa lahat.  Akala mo ay mapapalit mo ng kapirasong karne ang bagay na binili ng sandaang baka.

Ang estranghero ay napahiya at noon di’y lumisan.

Bumaling ang ama sa anak, ikaw, aking anak ay matalino.  Pagdating ko sa bahay, padadalhan ko ang iyong asawa ng tatlong daang baka upang kayo’y mamuhay nang maginhawa.

Learn this Filipino word:

magsusì ng bibíg