Ang Kahon ni Pandora

Nang nilalang na ang lalaki, pinasiyahan ni Jupiter na gumawa ng babae upang ipadala sa daigdig.  Tinawag niya ang mga diyos at diyosa upang siya’y tulungan at sila’y sumang-ayon.

Binigyan ni Venus ng kagandahan ang babae; binigyan ni Apollo ng hilig sa musika; binigyan ni Minerba ng dunong at kakayahan sa paghabi, at binigyan ni Merkuryo, nang mapaiba naman sa karamihan ng kaunting pagka-usyoso.

Nang si babae ay matapos, anong ganda!  Ipinagmalaki ng mga diyos ang kanilang likha kaya siya’y pinangalang Pandora na ang kahuluga’y alaala ng mga diyos.  Siya’y pinagkalooban ni Jupiter ng munting kahong maganda ang pagkakalalik at may kasamang gintomg susi bilang alaala.  Ipinagbilin sa kanyang piling at huwag bubuksan.  Pagkatapos, siya’y pinapunta sa daigdig upang magprisinta kay Epimetheus.

Siya’y naging mabuting maybahay ni Epimetheus – mabuting magluto, laging abala sa paglilinis ng bahay, mahusay humabi at higit sa lahat, tumatalima sa bawat naisin ng asawa.

Hindi nawaglit sa kanyang gunita ang kahong yari sa garing na kanyang dala.  Dumating ang oras na hindi niya mapaglabanan ang tuksong malaman kung ano ang laman nito.  Kanyang tinangnan ang gintong susi na nakabitin na may tatlong sedang sinulid at pagkuwa’y biglang binuksan ang kahon.  Kanyang iniangat nang kaunti ang takip upang sumilip.

Kaawa-awang Pandora!  Ilan lamang saglit at ang silid ay napuno ng maliliit at nagliliparang kulisap, lumilipad na umuugong at palibot-libot sa dingding hanggang makalabas ng bintana.  Ano ang kanyang nagawa?  Dagling isinara ang takip subalit huli na.  Nasa labas na ng kahon ang mga impakto sa daigdig – Kasalaulaan, Katakawan, Kalupitan, Sakit at iba pa.  Mula noo’y lumipana sila na siyang pinagmulan ng kapahamakan, salot at lumbay.  Isang kamalian ang pagkapagpalaya sa kanila.

Mabuti na lamang at kagyat na ipininid ni Pandora ang takip ng kahon.  Kundi agad nasarhan pati ang Pag-asa ay nakalipad din na kasama ng mga signos na may pakpak.  Kung nakawala ang Pag-asa, lalong magiging kahambal-hambal ang kalagayan ng daigdig.  Sa kabutihang palad, ito ay naiwan.  At ano kaya ang ating magagawa kung ito’y wala?

Pandora = a very beautiful woman whom the gods created and bestowed upon Epimethus.  Through her the earthly mortals were punished for having received the gift of life from Promethus.  Her sinful curiousity led her to open a certain box and let out into the world all the mortal ills and diseases.

Learn this Filipino word:

lálabasán