Ang diyos ng ating mga ninuno - Page 2 of 2

(At Paninimula ng Unang Pulo)

Sa mitolohiya naman ng mga Tagalog, si Amihan daw at si Habagat ay nag-isang dibdib.  Sila ay nakita sa isang biyas na kawayang lulutang-lutang sa dagat.  Ito raw ay napadpad sa dalampasigang kinatatambakan ng isang sapi-sapi.  Ang biyas ng kawayan ay tinuka ng Ibon at nang mabutas ay nabiyak at dito lumabas ang isang lalaki at isang babae.

Napapaiba naman ang kuwento ng paglikha ng mga Magindanao.  Ang diyos na si Sitli Paramisuli bago namatay ay nagtagubilin sa kanyang mga anak na lalaki na ang kanyang suklay ay ibaon sa pinaglibingan sa kanya.  Nang maitanim ito sumibol at lumaki ang isang puno ng kawayan.  Sa biyas ng kawayan nagmula si Putri- Turina na napangasawa ni Kabanguan at ang kanilang mga anak ay siyang kauna-unahang mga Magindanao.

Learn this Filipino word:

daanín sa tigás ng butó