Ibalon - Page 2 of 2

(Epikong Bicolano)

Matandang kasaysayan ng Ibalon:

Ang panahong nasasaklaw ng matandang kasaysayan ng Kabikulan ay nagsimula noong sinauna hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa pangunguna ni Juan Salcedo noong 1573.  Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito naunang nakilala ang lupain ng mga sinaunang bikolano.  Ang naging batayan nito ay ang ibal o ibay na siyang kauna-unahang pangalan ng tangway ng Bikol.  Ang ibal ay salitang pinaikli na ang Ibalyo (Bikol) o Ibaylo (Bisaya) na nangangahulugang maging tawiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong timog Luzon.

Katangian ng Epikong Ibalon:

Ito ay binubuo ng animnapung saknong na may apat  na taludtod ang bawat saknong.  Ang sukat ay labindalawang pantig ang bawat taludtod.  Ito ay isinalin ni Fr. Jose Castaño sa Kastila.  Ang kayarian ng epikong Ibalon ay nahahati sa dalawang bahagi.  Ang unang bahagi ay ang kahilingan ni Iling kay Kadugnung na awitin nito ng huli ang mga pangyayaring nagpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si Handyong.  Ito ang nilalaman ng unang bahagi na may anim na saknong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

ILING – isang ibon na laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring turuang bumigkas ng ilang salita.

KADUGNUNG – mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni Iling ay inawit niya ang epiko.  Siya ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castaño.

(Batay sa pagsasaliksik ni Ester E. Tuy)

Learn this Filipino word:

itinulak sa bangin