Pinoy Ako

Lahat tayo mayroon pagkakaiba
Sa tingin pa lang ay makikita na
Iba’t ibang kagustuhan ngunit
Iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

Chorus:
Pinoy, ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot, ipagmalaki mo
Pinoy ako, Pinoy tayo

‘Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh oohh
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

[Chorus]

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo ay mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin

[Chorus]

Learn this Filipino word:

nagdildíl ng asín