Kung Maging Ulila
Kung maging ulila sa balat ng lupa,
Ay kaawa-awa, laging lumuluha;
Kay lungkot ng buhay ng walang magulang,
Sa dusang tinataglay, walang dumaramay.
Kung maging ulila ay kawawang tunay,
Sa lahat ng bagay ay api-apihan;
Kung ganyang ang buhay, buti pang pumanaw,
Nang ako'y tahimik na't walang dinaramdam.