Ang Tubig at ang Apoy

ni Dr. José Rizal

(Tagalog version of “El Agua y el Fuego”)

An’yo: kami’y tubig; kayo’y apoy naman;

Kami ay sang-ayon kung ang nasa’y ganyan.

Mangabuhay tayo sa katahimikan

At sa sunog, huwag tayong patatanaw

Na nangag-aaway

Kundi, -- pinag-isa ng bihasang agham

Ng mga kaldera sa sinapupunang

Maalab na tunay,

Walang mga galit, walang kabaliwan, --

Tayo’y makalikha ng maasong singaw,

Ikalimang sangkap: kaunlaran, buhay,

Liwanag at galaw.

Learn this Filipino word:

lumálakí ang ulo