Pambansang Dekalogo sa Tangkilikan
ni Manuel L. Roxas
I. Ibigin mo ang sariling iyo nang higit sa lahat ng bagay.
II. Parangalan mo ang iyong bayan sa kanyang mga ani, mga industriya, at mga kalakal.
III. Mag-isip ka’t gumawa na parang Pilipino.
IV. Huwag kang gagamit ng anumang buhat sa ibang lupain na nagagawa at naaani sa iyong sariling bayan.
V. Tangkilikin mo muna ang kalakal ng iyong kababayan na una kaysa mga dayuhan.
VI. Ilimbag mo sa iyong isip ang dakilang katotohanan na ang isang bayang walang katutubong pag-aari ay walang saysay.
VII. Tumulong ka sa ikagiginhawa ng mga anakpawis nang ang iyong bansa ay mamalagi sa kamay ng mga kababayan at siyang maging saligan ng ating pagkalahi.
VIII. Tumulong ka sa ikagiginhawa ng mga anakpawis na iyong karugo at sundin ang katutubong batas na nagtatagubiling kalingain ng kapatid ang kapatid.
IX. Tangkilikin ang sariling atin sa gawa at hindi sa salita.
X. Tibayan mo at tiningan ang iyong loob sa pagtupad ng magagandang ugaling iyan; huwag mo nang tukuyin ang tangkilikan kung duwag at marupok ang iyong puso.
Ang tangkilikan sa pangangalakal ay lubhang kailangan ng isang bayang naghahangad maging matatag sa pakikipamuhay sa piling ng ibang bansa. Ito’y kailangang isagawa ng bawat mamamayan, lalo na sa panahong ito ng pagpapanibagong-tatag.