Kasarinlan

Tula ni Claro M. Recto

Halamang may likas na ugat sa lupa,
Sugpu-sugpuin ma’y hindi nawawala;
Ang puhunang dugo’t ang puhunang luha,
Pag napagtubua’y sambuhay na tuwa.

Kasarinlan natin ay isang halamang
Pinutol ng lakas ng mga kalaban,
Halamang sa dugo hinasik ni Tatang!
Halamang sa luha dinilig ni Inang!

Ngayong narito na’t sa ati’y nagbalik
Alagaan naman ng ating tangkilik,
Iya’y bungang-hinog ng paghihimagsik
Na napitas natin sa pananahimik.

Si G. Claro M. Recto ay isa sa ating magigiting na mamamayan at kilalang mambabatas. Di kataka-takang siya’y maringgan nating ng isang tulang Tagalog, sapagkat ang pagmamahal niya sa ating wika’y katulad din ng pagmamahal niya sa sariling bayan.

Learn this Filipino word:

alóg na ang babà