(Isang tulang handog para kay Rizal)

Tula ni

Fernando Maria Guerrero

Nagdurusa pa kami! …Ang mabangis na latigo
ay muling nagpapadugo sa aming mga dukha,
at sa aming tahanang pinagpala
sa banal naabo ng iyong libingan
ay humihinga ang kanilang mga kukong mapanugat,
kukong-aguilang maninila.

Naririnig mo? Yao’y ingay ng paghahamok;
yao’y ang lahi mong aping tumututol,
nanginginig sa sandata
ang salita mong mapanligtas habang nakikilaban
Lahi ng matatapang na sa mga aklat mo’y matutong
manlagot ng mga tanikala!

Di kung hanggang ngayon sana, dakilang martir,
ay maiguguhit ang panitik na pamugbog sa mang-aapi!
Kaipala’y ang naglilingas na sinag
na tinig mong mataginting ay makasupil
sa malupit na pamumuksa at sa matakas
na hilig ng hiyena.

Kung hindi man! Pagka’t ikaw ang nagturo
at nagpabihasa sa laban o sa dusa,
patindig at suko sa mga ulap
ang laging pataas at matipunong ulo,
matututong mamatay o bumihag sa luwalhati
ang lahi mong dakila…

Mamayapa ka sa iyong pagkakahimlay! …
Ngunit kung may marinig kang
malalagong awit sa gabi mong walang-lakas,
gumising ka; sapagkat marahil
at sumikat na ang liwayway sa ating bayan;
ang mga agilang madugo…

Learn this Filipino word:

anák sa labás