Bandilang Pilipino

Tula ni Jose Esperanza Cruz

Ang aming bandila’y maganda sa lahat,
Sapagkat bandila nitong Pilipinas;
Iyan ang larawan ng isang lumipas
Na tigmak sa luha at dugong dumanak.

Ang aming bandila’y isang kasaysayan
Ng kahapo’t ngayon nitong aming bayan,
Isang babasahing ang iniaaral,
Wala pang katulad sa sandaigdigan.

Ang tatlong bitui’y tatlong pulong mahal
Na kung nagsasanib ay nagiging Araw,
At ang tatlo niyang magagandang kulay,
Tatlong yugto nitong aming Kasarinlan!

Basahin ang tulang ito upang mabatid ang kadahilanan at kahalagahan ng pagkakaroon natin ng isang bandila.

Learn this Filipino word:

waláng itulak-kabigin