Mga Tauhan - Page 2 of 2
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
- Iday, Sinang, Victoria, at Andeng
- mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
- Kapitan-Heneral
- pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra
- Don Rafael Ibarra
- ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe
- Don Saturnino
- nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias
- Mang Pablo
- pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
- Kapitan Basilio
- ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
- Tinyente Guevarra
- isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama
- Kapitana Maria
- tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama
- Padre Sibyla
- paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra
- Albino
- dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa