Kabanata 6: - Page 2 of 2
Si Kapitan Tiyago
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi. Gayunpaman nagiging masakitin si Pia, nang siya ay magdalangtao. Pagkapanganak niya, siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki sya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng Sta Catalina. Luhaan syang nagpaalam kay Pari Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.