Kabanata 59:

Pag-ibig sa Bayan

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila.  Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento.  Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap.  At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala.  Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig.  Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari.  Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib.  Nabanggit pa nga na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon.  Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan.  Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero.  Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra.  Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si Kapitana Tinchang.  Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik.  Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo.  Ito ay isang lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin.  Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran.  Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsan.  Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama.  Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong.  Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo.  Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa Heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan.

Boto silang lahat sa payo.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa.  Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang Heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata.  Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga Indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao.  Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan.  Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na si Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa Heneral.  Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita.  Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.

Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal.  Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa.  Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

Learn this Filipino word:

hagilapin sa alaala