Kabanata 57:
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Balisa ang mga Sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang Alperes, Direktorsillo, Donya Consolation at ang Kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang Kura at wala sa loob na naitanong niya sa Alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parang batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa Kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga Sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga Sibil. Dahil dito, iniutos ng Alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang imik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang Alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Hindi makakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng Kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng Kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang Alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang beses ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.
Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawas sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang Alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.