Kabanata 51:
Mga Pagbabago
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:
Mahal kong pinsan,
Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng Alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay Kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang Alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan.
Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,
VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA
Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang Alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang Kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng Arsobispo tungkol sa pag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring ang binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang Pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Sa bahaging iyon ng usapan ng Pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binati niya ang Kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay Sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra na gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.