Kabanata 42: - Page 2 of 2

Ang Mag-asawang De Espadaña

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa lupaing ito ng mga salvaje.  Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.

Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito.  Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.

Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia.  Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot.  Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya.  Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya.  Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.

Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang Kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino.  Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.

Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi.  Dati ng kakilala ng mag-asawa ang Pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang Alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.

Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan–Heneral sa kanilang tahanan.  Halos hindi makapaniwala ang Donya.  Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Maria disin sanay’y nakadaupang palad nila ang Heneral.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya.  Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti.  Nasa tabi ang dalawang kaibigang babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng Azucena.

Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito.  Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.

Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling.  Ang iniresetang gamot niya ay: sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa.  Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linares na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.

Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso.  Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita.  Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

Learn this Filipino word:

waláng mákapitan