Kabanata 4: - Page 2 of 2
Erehe at Pilibustero
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos ng lahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay ang Tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.