Kabanata 34:

Ang Pananghalian

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.  Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang Alkalde.  Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang Eskribano.  Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga Prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.  Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis.  Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.

Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.  Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain.  Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.  Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra.  Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa kopa.  Nahalata ng Alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang Pari sa pagsasaring.  Walang kibo na lamang si Ibarra.  Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak ang dugo ni Ibarra.  Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib.  Pero, pinigilan siya ni Maria.  Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

Learn this Filipino word:

may magandáng kinábukasan