Kabanata 30:
Sa Simbahan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.
Ilang saglit lang dumating ang Alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang Alkalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.
Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.