Mga Pangulo ng Pilipinas  (The Philippine Presidents)Mga Pangulo ng Pilipinas

(The Philippine Presidents)

Ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas.  Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap ng sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Punong Komandanto o Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sang-ayon sa kasalukuyang Saligang-Batas (1987), ang pangulo ay nararapat na may gulang na 40 taon pataas, mamamayang Pilipino mula kapanganakan, at nakatira sa Pilipinas sampung taon bago ng halalan.  Tuwirang ihahalal ng mga Pilipino ang pangulo na mananalo kung siya ang may pinakamalaking bilang ng boto.  Magsisilbi ang pangulo ng isang termino sa loob ng anim na taon at hindi na makakatakbo muli para sa re-eleksyon, maliban kung siya ay naging pangulo sa pamamagitan ng konstitusyon succession at nagsilbi ng hindi hihigit sa apat na taon bilang pangulo.

The President of the Philippines is the head of state and head of government of the Philippines.  The president leads the executive branch of the Philippine government and is the commander-in-chief of the Armed Forces of the Philippines.

Under the 1987 Constitution of the Philippines, in order to serve as President, one must be at least 40 years old and above, male or female a Filipino citizen by birth, and a resident of the Philippines for at least 10 years immediately preceding election.  The person having the highest number of votes shall be proclaimed elected.  A person who has already been elected to the Office of President can no longer be eligible to the same office.  No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.

Learn this Filipino word:

nagbábará ang butas ng ilóng