Corazon C. Aquino - Page 2 of 2
(María Corazón Cojuangco-Aquino)
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan | St. Scholastica’s College Akademya ng Ravenhill sa Philadelphia, Estados Unidos Kumbentong Paaralan ng Notre Dame sa New York |
Kolehiyo | Batsilyer ng Sining, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent sa New York (1953) Doctor of Humanities, Honoris Causa, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent (New York); Pamantasan ng Ateneo de Manila at Pamantasan ng Xavier (Pilipinas) Doctor of Humanities, Honoris Causa, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng Fordham, Pamantasan ng Waseda (Tokyo), Far Eastern University at Pamantasan ng Santo Tomas Doctor of Humanities, Honoris Causa, Kolehiyo ng Stonehill (Masachusetts) |
Mga Natatanging Tala sa Kasaysayan
- Matapos makapangalap ng isang milyong signatura ang mga kakampi ay saka lang siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986.
- Iniluklok bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Dating Pangulong Marcos sa posisyon.
- Siya ang Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
- Pinanumpa ni Hukom Claudio Teehankee ng Korte Suprema si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas sa Club Pilipino.
- Nagpatupad ng palatuntunan ng rekonsilasyon at pinalaya ang mga bilanggong pulitikal tulad nina Bernabe Buscayno ng New People’s Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.
- Nagpabalik sa pampanguluhang balangkas ng pamahalaan.
- Sa ilalim ng kanyang pamamahala ay nagdaos ng isang pambansang plebesito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987.
- Tinanghal na "Babae ng Taon" ng Time Magazine.
- Ginawaran ng "Gawad Eleanor Roosevelt" para sa "Karapatang Pantao".
- Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya na uhaw sa paghihiganti kay Marcos.
- Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989.
- Nakaranas ng malaking problema at kalamidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong si Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Education
Elementary and Secondary | St. Scholastica’s College Ravenhill Academy in Philadelphia, United States Notre Dame Convent School in New York |
College | Bachelor of Arts, College of Mount Saint Vincent in New York (1953) Doctor of Humanities, Honoris Causa, College of Mount Saint Vincent, New York, Ateneo de Manila University, Xavier University (Philippines) Doctor of Humanities, Honoris Causa, University of Boston, Fordham University, Waseda University (Tokyo), Far Eastern University, and University of Sto. Tomas Doctor of Humanities, Honoris Causa, Stonehill College (Massachusetts) |
Important Notes in History
- Agreed to run for president against Marcos in the February 7, 1986 Snap Election after her supporters gathered a million signatures.
- Installed as the President of the Republic of the Philippines on February 25, 1986 because of the historic People’s Power which stripped Marcos of power.
- She is the First Woman President of the Republic of the Philippines.
- Corazon Aquino took her oath under Supreme Court Justice Claudio Teehankee as President of the Philippines at Club Filipino.
- Implemented a program of reconciliation and freed political prisoners like Bernabe Buscayno of the New People’s Army and Jose Maria Sison of the Communist Party of the Philippines.
- Retained the presidential form of government.
- Under her reign, a national plebiscite was held to ratify the amendments to the 1935 Constitution on February 2, 1987.
- Named Woman of the Year by Time Magazine.
- Was given the Eleanor Roosevelt Award for Human Rights.
- Her popularity waned because of the people around her who wanted to exact vengeance on Marcos.
- Six coup d’etat aimed at overthrowing her government took place during her reign, the two bloodiest of which took place in 1987 and 1989.
- The country went through great problems and calamities during her reign like the earthquake of July 16, 1990; Typhoon Rufing and increase in the price of oil due to the Middle East War and the eruption of Mount Pinatubo in 1991.