Agyu
(an Ilianon epic)
Bilingual (Tagalog-English) version
Ang pangunahing pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay pangongolekta ng sera. Ipinapalit nila ang sera sa mga Moro, sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay, asin at asukal. Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro dahil sa pagkakautang nila ng isang daang tambak ng sera. Upang maiwasan ang madugong labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi hahayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng payapa. Sinundan nila ang mga ito upang patayin siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang pamilya ng buong tapang at lumabas na panalo sa laban sa mga Moro. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga bahay sa paanan ng bundok.
Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy ramo. Umuwi siya na dala ang kanyang huli habang ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga kapatid na babaing sina Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati nila ang baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin.
Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong asawa sa Ayuman, Banlak?
tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.
Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lona na pumunta sa Ayuman dala ang karne at pulot para kay Mungan. Nang makarinig siya ng malakas na boses na nagsasabl kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng pagkain ng mga diyos.
The main source of livelihood of the Ilianon was collecting wax. They exchanged the wax to the Moros with their basic needs such as rice, salt and sugar. Agyu had a long rift with a Moro datu over a debt of one hundred mound of wax. To avoid bloody confrontation, Agyu and his household left Ayuman and went to Ilian. But the Moros would not let them live in peace until their debt were settled. They followed him to kill him and his family. Agyu and his household fought bravely and emerged victorious over the Moros. After their victory, Agyu decided to leave Ilian and set for Mount Pinamatun. They clean and toil the land and built their houses at the floor of the mountain.
One day, Agyu went to the forested mountain of Sandawa to hunt for wild boar. He went home with a prize catch while his brother Lono and sisters Yambungan and Ikwangan found a beehive full of sweet honey. They divided the wild boar and honey among themselves and their servants.
Why don’t you take some fresh meat and sweet honey to your wife in Ayuman, Banlak?
Agyu asked his brother. Banlak’s wife Mungan was left behind at Ayuman because she had leprosy.
Banlak did not approve of the idea. Lono volunteered to go to Ayuman with the meat and honey for Mungan. There he heard a loud and thundering voice asking Mungan to accept immortality by eating a food for the gods.