Isports

(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

Seksyon 19
  1. Dapat itaguyod ng Estado ang edukasyong pisikal at pasiglahin ang mga programang pang-isports, mga paligsahang panliga, at mga amatyur isports, kasama ang pagsasanay para sa mga paligsahang pandaigdig, upang maisulong ang disiplina sa sarili, pagtutulungan ng magkakasama at kahusayan para sa pagbubuo ng kapamayanang malusog at mulat.
  2. Ang lahat ng mga institusyong pang-edukasyon ay dapat magsagawa ng regular na mga gawaing pang-isports sa buong bansa at pakikipagtulungan sa mga samahan sa palaro at iba pang mga sektor.

Learn this Filipino word:

tapunan ng habág