Emilio Aguinaldo

President of the First Philippine Republic

Born: March 30, 1869

Died: February 6, 1964

He won distinction for his military exploits and emerged as the recognized leader of his people who elevated him to the Presidency of the First Christian Republic in Asia.

Si Emilio Aguinaldo na ipinanganak sa Kawit, Cavite, noong Marso 30, 1869, ay nag-aral sa mga paaralang pribado ng kaniyang lalawigan at noong huli ay sa San Juan de Letran, sa Maynila. Bago siya nagtapos ng kaniyang karera sa San Juan de Letran, ay umuwi siya sa Kawit para magpasaka.

Nang sumiklab ang digmaan noong 1896, umanib siya sa hukbo bilang isang tenyente sa ilalim ni Heneral Baldomero Aguinaldo. Naging Heneral siya pagkatapos ng mga ilang buwan. Sumunod ay pinanguluhan niya ang kampanya laban sa mga Kastila hanggang gawin ang kasunduan sa Biac-na-Bato noong Disyembre 1897. Ilan sa mga nilalaman ng kasunduan ay si Aguinaldo at ang ilan sa mga pangunahing tauhan ay aalis dito sa Pilipinas, at ang bansang Espanya ay magbabayad ng P 800,000 na bayad pinsala.

Si Aguinaldo at ang dalawampu’t lima pang iba ay nagpunta sa Hongkong. Gayon man ang pamahalaang Espanya ay nagpadala kay Aguinaldo ng P 400,000 lamang. Ang halagang ito ay ginamit ng lupong heneral sa Hongkong sa ikalawang rebolusyon.

Nang sumiklab ang digmaan ng Kastila at Amerikano, si Aguinaldo ay nagbalik sa Cavite pagkatapos ng konperensiya nila ng mga Konsul ng Amerika sa Hongkong at Singapore. Dalawang lingo pagkatapos dumating siya ay nagsimula na ang pag-aalsa laban sa mga Kastila. Hindi natagalan nasakop nina Aguinaldo ang lahat ng lalawigan tangi lamang ang Maynila.

Ang Maynila ay sumuko sa mga Amerikano noong Agosto 13, 1898 at itinatag ni Aguinaldo ang pamahalaang lalawigan sa Bacoor, Cavite. Noong huli ay inilipat ang pamahalaan sa Malolos, Bulacan, lugar na ipinahayag na republika Pilipina at si Aguinaldo ang unang pangulo.

Ang kasunduan sa Paris ay nalagdaan noong Disyembre 10, 1898 na ipinagbibili itong Pilipinas sa Estados Unidos. Sumunod na Pebrero nakipag-alit si Aguinaldo sa mga Amerikano. Nagpatuloy ang digmaang ito hanggang sa sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano. Pagkatapos ay nagbalik uli si Aguinaldo sa Kawit, Cavite, upang magpatuloy sa pagsasaka.

Namatay siya noong Pebrero 6, 1964, sa Kawit, Cavite, na kaniyang sinilangan.

Emilio Aguinaldo was born in Kawit, Cavite, on March 30, 1869. He studied in the private schools of his province and later at San Juan de Letran, Manila. Before finishing his course at San Juan de Letran, he returned to Kawit to engage in farming.

When the Revolution broke out, in 1896, he joined the movement as a lieutenant under General Baldomero Aguinaldo. He rose to the rank of general in a few months. He then personally conducted the campaign against the Spaniards until the Pact of Biac-na-Bato was signed in December 1897. Among the provisions of this pact were: that Aguinaldo and some of the top officials would leave the Philippines and that the Spanish government would give them an indemnity of P 800,000.

Aguinaldo with some 25 others went to Hongkong. However, the Spanish government sent him only four hundred thousand pesos. This amount was used by the General Committee of Hongkong to finance the second revolution.

When the Spanish American war broke out, Aguinaldo returned to Cavite after a conference with the American Consuls of Hongkong ang Singapore. Two weeks after after his arrival the uprising against Spain was renewed. Soon Aguinaldo’s forces occupied all the provinces except Manila.

When Manila surrendered to the Americans on August 13, 1898, Aguinaldo organized his provincial government at Bacoor, Cavite. Later, he transferred the seat of government to Malolos, Bulacan, where the Philippine Republic was proclaimed with Aguinaldo as President.

The Treaty of Paris was signed on December 10, 1898, ceding the Philippines to the United States. The following February, Aguinaldo broke relations with America. This war lasted until Aguinaldo surrendered. Then he returned to Kawit, Cavite, to devote his time to agriculture.

He died on February 6, 1964, in Kawit, Cavite.

Learn this Filipino word:

pagbabagong-loób