Bugtong (Mga Hayop) - Page 2 of 4

Sagot

Bugtong

Bibe

Kay liit pa ni Neneng
Marunong nang kumendeng

Elepante

Anong hayop ang dalawa ang buntot?

Tipaklong

Ang ulo ay kabayo,
Ang leeg [balabal] ay pare,
Ang katawan ay uod,
Ang paa ay lagare.

Langaw

Naghanda ang alila [katulong] ko
nauna pang dumulog ang tukso.

Alitaptap

Eto na si bayaw
Dala-dala'y ilaw

Palaka

May ulo'y walang buhok
May tiyan walang pusod

Sungay ng Usa

Pantas ka man at marunong
At nag-aral nang malaon,
Aling kahoy sa gubat
Nagsasanga’y walang ugat.

Learn this Filipino word:

ginintuáng tinig