Ang Awit ni Maria Clara
ni Dr. José Rizal
(Tagalog version of “Canto de Maria Clara”)
Mga sandali’y matamis sa sarili nating bayan,
Doo’y kaibigang tangi bawat sikatan ng araw,
Buhay ang sa hanging simoy na lumilipad sa parang,
Kamatayan ay masarap, kay lambing ng pagmamahal!
Marubdob na mga halik ang naglalaro sa labi
Ng inang pagkagising na sa kandunga’y bumabati;
Sabik kawitin ng bisig ang kanyang liig na pili,
At pagtatama ng tingin, mga mata’y ngumingiti.
Kamatayan ay matamis nang dahil sa Inang Bayan
Doo’y kaibigang tangi bawat sikatan ng araw,
Ngunit ang simoy ng hangi’y mapait na kamatayan
Sa taong walang sariling lupa, ina’t kasintahan!
(Tinagalog ni J.R. de Leon)
See also the original Spanish version (Canto de Maria Clara) and English version (The Song of Maria Clara) of this Philippine song by Dr. José Rizal.