A La Juventud Filipina

ni Dr. José Rizal

Ang A La Juventud Filipina ay tulang sinulat ni Dr. José Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingwalong taong gulang.  Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, samahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining noong 1879.  Mga Kastila’t katutubo ang lumahok sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob dito ang unang gantimpala.

Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa.  Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya, na ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.

Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang Pilipino ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.

Learn this Filipino word:

ibig na ayaw