Awit ng Pulubi

Doon po sa amin, bayan ng San Roque,
May nagkatuwaang apat na pulubi;
Nagsayaw ang pilay, umawit ang pipi,
Nanood ang bulag, nakinig ang bingi.

Doon po sa aming maralitang bayan,
Nagpatay ng hayop, "Ninik" ang pangalan;
Ang taba pa nito ay ipinatunaw,
Lumabas ang langis, siyam na tapayan.

Doon po sa amin, bayan ng Malabon,
May isang matandang nagsaing ng apoy;
Palayok ay papel, papel pati tuntong,
Tubig na malamig ang iginatong.

Learn this Filipino word:

bantáy-tumanà