Ang Mga Bahaging Ginagampanan at Mga Karapatan ng mga Organisasyon ng Sambayanan

(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)

Seksyon 15

Dapat igalang ng Estado ang bahaging ginagampanan ng malayang mga organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taong-bayan, sa loob ng balangkas na demokratiko, ang kanilang lehitimo at sama-samang mga interes at hangarin sa pamamagitan ng paraang mapayapa at naaayon sa batas.

Ang mga organisasyon ng sambayanan ay mga asosasyong bona fide ng mga mamamayan na may subok na kakayahang itaguyod ang kapakanang pambayan at may mapagkikilalang pamiminuno, kasapian, at istruktura.

Seksyon 16

Hindi dapat bawahan ang karapatan ng sambayanan at ng kanilang mga organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas ng pagpapasiyang panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan.  Dapat padaliin ng Estado, sa pamamagitan ng batas, ang pagtatatag ng sapat na mga pamamaraan sa pakikipagsanggunian.

Learn this Filipino word:

mabigát ang kamáy