Kabanata 3:

Ang Hapunan

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan.  Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam.  Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso.  Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete.  Hindi naman umiimik ang Tinyente.  Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago.  Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.

Sa may kabisera umupo si Ibarra.  Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago.  Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano.  Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan.  Pero, tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago.  Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumanggi ang Kapitan sabay sabing huwag mo akong alalahanin.

Sinimulan ng idulot ang pagkain.  Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari Damaso nang ihain ang Tinola.  Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya.  Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola.  Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya.  Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas.  Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan.  At sa halip, siya ang nakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama.  Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan.  Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Ridgeview Estates NUVALI Each moment as perfect as the first Calamba, Laguna